Hindi ko din masiguro kung paano nagsimula ang pagkahumaling ko sa kanila. Siguro nagsimula ang lahat sa koreanovelas na napapanood ko sa Channel 2 (ang mga maka-GMA, wag na kayong magmagaling. Kung hindi dahil sa Meteor Garden, walang Chino-Korean-Taiwanovela kayong pinapanood at iniimitate ngayon.) Iba kasi ang impact-o saken ng mga palabas na to. May mix ng comedy, drama, action. Nakakakilig! Yung kilig na akala mo hindi na mauungkat mula sa kaibuturan ng laman-laman mo dahil sukang suka ka na sa mga tigmak na pagpapaluha ng mga Filipino series sa Pinas. Nakuha ng dayuhang produktong to ang kiliti ko. Siguro hindi naman ako nag-iisa no? Dahil kahit hanggang sa kasalukuyan, baliw na baliw pa rin ang milyon milyong Pilipino sa mga programang ganyan. Hindi naman sa panghuhusga, pero kung ikukumpara mo nga naman sa mga Pinoy teleserye na napapanood gabi-gabi, kailangan mo munang maghanda ng tatlong rolyo ng tissue paper para sa madadramang eksena. Ganyan ginagawa ng mga may edad nang manonood (parang yung ina ko lang.) Nakakarindi kasi. Bukod sa paulit-ulit na lang yung storya, yun at yun din naman ang ending. Gusto mo sample ng tipikal Filipino teleserye?
*******
LIGHTS, CAMERA, AKSYOWN!
Kadalasan magkakaugnay ang lahat ng tauhan. Yung magkaloveteam, magkapatid pala. O kaya magtita. O kaya magtito. Magpinsan? Basta, may pagka-incest ang dating. Eew. O kaya, magkaibigan na nagkadevelop-an. Tapos eeksena ang mga kontrabida. Uy oh! Di ko makakalimutan ang naging role ni Princess Punzalan sa Mula Sa Puso. Pambihira ang pagkademonyita nitong babaeng to, panalo! Nakakainis si Celina ampotah! Idagdag mo pa ang mga magigiting na malditang sina Chinchin Guitierrez, Angelika dela Cruz, Angelica Panganiban, Angelica Cipat (oo mataas talent fee ko), Cherry Gil, Cherry Pie Pichache, Cherryce Pempenco, Cherry icecream, Bluecherry Cheesecake, Cherry Mae Macapallag… Basta lahat ng may cherry. Oops? Classmate ko ata yung huli kong nabanggit.
Tapos, ang flow ng storya, pare-pareho din. Once na nagkakilala na ang bidang lalaki at bidang babae, syempre ayan na yung courtship plus love story plus romance plus parents involvement, syempre eeksena ang spices ng storya; …plus third parties plus buntisan moments plus break ups plus heartaches plus…. Ampucha! Pinaikot-ikot lang ang storya, happy ending din naman katapusan.
Minsan naman, kung mala-bakbakan at barilan ang epek, ang ending nyan ganito:
Ililigtas ng bidang lalaki yung mahal niya kasi kinidnap ng kontrabidang lalaki na kadalasan ay may gusto dun sa bidang babae. (Wow! Knight in shining armor baby!) At curious ka kung anong itsura ng bidang babae? Clue: Nakatali sa likod at may pasak ng kung anong tela o electrical tape ang bungaga, with matching luha at pawis sa mukha (eew). O kaya naman walang busal ang bibig at nagsisigaw ng “Walanghiya ka! Pakawalan mo ako dito! Hayop ka! Magbabayad ka sa ginawa mo!” Oh tapos, sabay banat nyan ng… “Tulooooooong! Tuloooooooong! Tulungan nyo ko mga kapitbahaaaaaaaay!” Malas niya lang kasi nasa isla pala sila. Ang kapitbahay nila mga puno at damo sa kakahuyan. Pwede naman na may tumulong sa kanya. Kung may naligaw na bear sa gubat. Pero wala namang bear sa Pinas. Aswang meron.
»FAST FORWARD
Kapag nagkrus na ang landas ng kontrabidang lalaki at ang bidang lalaki, “Boogsh!” Suntukan na yan. Hatawan ng kamao! Barilan! Eh kung magpagwapuhan na lang kaya kayo (pero infairness, minsan mas gwapo pa yung third party kesa sa bida. LOL).
Tapos, magugulat ka na lang nakawala na yung babae. Hindi ka ba magtataka kung pano nangyari yun? Tek! Pinakawalan nga pala ni Direk. Sorry naman.
»FAST FORWARD
Nag-aagawan na sa baril ang dalawang lalaki. Agawan. Suntok ulit.. “Boogsh!” » “Tama naaaa!”, sigaw ng babae. Agawan ulit… Suntukan. Hanggang humarang na yung babae sa dalawa. Then…
BANG!
Duguan ang babae. At dun lang dadating ang lintik na mga pulis!
» FAST FORWARD
Sa ospital, agaw buhay ang babae. Mey eksena pa yan na naglalakbay sa kalangitan at nagdadalawang isip kung gusto niya pa bang mabuhay o ano. Pero wag ka, sa ending, ang kaluluwa niyan papasok ulit sa loob ng katawan tapos, ayun. Buhay na ulit. Tapos…. FAST FORWARD: Happy ending (typical scene: sa simbahan ang setting at ikakasal na ang mga bida.)
*********
Nakakasulasok. Sorry for the term. Pero truekish naman.
E kaya nga ba nang ininvade ng Asianovelas ang Pilipinas, nabuhayan ulit ako ng dugong manood. Kulang na nga lang ako ang pumalit kay Jandi para makatuluyan si Gu Jun Pyo. Nakakairita tuloy kapag ginagaya ng Pinoy ang mga Asianovelas. Lalo na ang “SHIYETE”. Full house, Endless Love, Kim Sam Soon… Putek! Bakit di na lang sila gumawa ng original story para matuwa naman ako? Tapos si Regine pa yung bida? Wag na hoi!
Isa pa tuloy advantage para saken ng mga Asianovelas, nang magsabog yata ng kagwapuhan ang Diyos, sinalo ata ng mga bida lahat. Di ko naman sinasabing chakaness ang mga Pinoy actors/actresses. Yun nga lang kasi, alam mo yung umay? Pero pag from ibang bansa, alam mo yung bagong muka? Exotic? Alam mo yung nakakabaliw? Kilala mo si Lee Min Ho? Kim Bum? Eh si Mike He? Ikuta Toma? Papa P.? (ai sorry. bawal juding here.)
Saka hindi eh, may halo talagang wit at kakaibang sangkap ang dala ng mga Asianovelas. Itong Meteor Garden kasi ang may sala ng lahat. Dito ako unang nahumaling eh. Talk about F4!
Kilala mo pa ba si Dao Ming Si? Hua Zhe Lei? Xi Men? At Mei Zhuo? Ang tagal na no pero saulo ko pa rin mga pangalan nila. Eh kanta nila? Alam mo pa? “Oh baby baby baby, my baby baby… wo zhe bu nin shi chi ni…” Di ko alam kung tama. At wala akong idea sa ibig sabihin. Pero alam na alam ko, ganyan ang tunog nung lyrics na yan. Ayaw mo maniwala? Gusto mo download mo pa yang kanta nila sa Limewire eh. Meron pa rin hanggang ngayon.
At etoooo malupet. Alam mo pa ba ang unit ng cellphone nila dati? Kung sina Gu Jun Pyo may iPhone… Sorry! My 3310 ang Taiwanese F4. Beat that!
Ayun, mula nun, sunud-sunod na ako sa panonood. Actually nauunahan ko pa nga ang ABS-CBN at GMA na matapos ang buong series eh. Puro naman kasi cut ang ginawa ng mga hinayupak! Buti na lang may mga pasaway na pirated CD sellers sa Quiapo, solb na solb na ako. Kumpleto na, linaw pa ng copy. Parang sine te!
Coffee Prince, Full House (Yung totoong Jessie ha! Eew si Heart!), Princess Hours, They Started with a Kiss part 1 and 2, Boys Over Flowers, Endless Love, Hana Kimi (Taiwan and Japan), My Girl, Devil Beside Me, Why Why Love… Woo sarap! Idagdag mo pa ang movies like Windstruck, My Sassy Girl, etcetera.
Napanood ko na may mga bagong Asianovelas na naman sa dos. At andun si Kim Bum at Jerry Yan! tapos yung girl sa Hana Kimi Taiwan and Princess Hours. Sarap manood!
Pero narealize ko…. May tv kami. Pero walang channel. Channel 13 lang. Puro scar remover ang palabas. Pakingshet!

No comments:
Post a Comment