Wednesday, April 21, 2010

Why I am "SINGLE and UNAVAILABLE"

(Originally Written: October 5, 2009 on my Multiply)

Hindi ko alam kung bakit ko binablog ang topic na to ngayon. Kalagitnaan ng gabi at matunog pa ang mga pangalan nina pareng Ondoy at Pepeng. Knock out na rin ang mahal kong ina at mga kapatid. Sa katunayan, wala ata akong mapipiga sa utak ko ngayon para maipaliwanag nang mahusay ang paksang toh. Pero unfair naman kung hindi ko bibigyan ng hustisya ang titulo nito. "Why I am "SINGLE and UNAVAILABLE". May pahabol pa. Para matapos na ang walang katapusang pang-aasar at not-so-tamang-haka-haka ng aking estado sa buhay pag-ibig.

Si Ayen yata ang maysala. (Hi MiniStop IceCream Buddy!) Thanks to Facebook Chat (kung saan ko nakachikahan si ayen bui), hinatak ako ng keyboard para bigyan ulit ng laman ang stagnant blog page ko. At salamat na lang sa impluwensya ng babaeng itago natin sa pangalang Hyacinth Czarina Santos (ang hirap ng spelling ng pangalan mo boi, libre na yung ice cream ko next time. Special mention ka pa. Thanks to me!), umaliwalas ng bahagya ang mga brain cells ko. Nabuhay ang mga neurons at inambunan ako nang kahit kaunting topic.

Anyways, paano ko nga ba sisimulan? Sige ganito na lang.

**********

Sa bawat bagong mukha na makikita ko, at ang bawat bagong mukha na nakakakita sa akin, isang tanong lang ang palaging unang tinatanong sa'kin:

"May boyfriend ka na ba?"

Syempre, dahil likas akong matapat na Pilipino, "Ah. Wala po. NBSB (No Boyfriend Since Birth) po ako." ang isasagot ko. "Eh manliligaw?". "Wala rin po eh." ang sagot ko. At sa tuwing ang sagot na yon ang ibabanat ko sa kanila (which is truelaloo naman), napapansin ko na kung hindi kumukunot ang noo nila, eh tumataas naman ang kilay ng mga bruha. "Ows? Maniwala ako sa'yo?! Hahaha!" Sabay hagalpak ng mga babaita. Aba't talaga nga naman. Sarap nilang tumawa. Comedy skit? (BEWARE: Siguraduhin mong kasinungalingan ang mga isasagot mo sa mga tanong na ganito para maiwasan mo ang katatawanan at pagkamanghang walang humpay).

Hindi ko maipaliwanag. At talagang kahit magheadstand ako, o ipaikot ikot ko ang ulo ko na parang siraulo, hindi ko talaga maipaliwanag, na kung bakit ba sa panahon ngayon, ang bawat tanong na ganon, dapat iisa lang ang tugon? "Opo. Meron po."

??????????????????????????
?????
!@#$%^&???

**********

Hirap ba paniwalaan? Na sa panahong laganap ang hiwalayan ng mga mag-syota, lokohang kabi-kabila, lampungan kung saan-saan, ka-sweet-ang mauuwi rin sa murahan, ay may mga babae pa ring naliligaw na NBSB? Ewan ko nga ba, kung bakit gusto ata nilang makiuso ako sa kanila. Aba eh kung hindi uso ang Single and Unavailable, pwes, ako ang magpapauso. ;))

Kung sa bagay, hindi ko rin naman sila masisisi. Love is in the air nga naman. Wuhoo! Magbunyi! Magbunyi kayo. Ow yes. Kayo lang. Love is in the air din naman ang pilosopiya ko sa buhay. Pero love is in the air na nakapokus sa tamang dami at grupo ng tao, hindi sa iisang lalaki lang na parang Diyos kung sambahin mo.

Ayokong makipagtalo sa mga taong ayaw akong paniwalaan sa "amazing relationship status" ko raw. At lalong ayokong ipaliwanag ang dahilan ng pagkakaroon ko ng ganung estado sa buhay pag-ibig. Minsan ko nang sinubukang ipagtanggol ang side ko at ipalaganap ang tunay at malalim na dahilan. Pero hindi lang minsan akong pinagtawanan.

Minsan nga nakikitawa na lang din ako. Kahit labag sa loob ko. Hayyy. May mga tao talagang makitid ang pag-iisip. Hindi ko na lang ipipilit ang isang bagay sa isang taong kahit ibitin mo patiwarik, hinding hindi makikinig.

People, sa totoo lang, wala akong magandang istilo ng creative writing para mapagsama-sama harmoniously ang lahat ng idea, perspective at pilosophy ko sa topic na to para maintindihan ninyong lahat. Pakiipon na lang din po ang pasensya at high IQ cells na natitira jan sa mga bungo nyo para makasabay sa agos ng blog na to. Pero eto na lang. Gagamitan ko na lang ng pinakasimpleng mga salita para sa madlang taong nagkainteres magbasa ng entry na to. Ipagpatawad mo kung sakaling masayang ko ang oras mo. Pero since nandito ka na rin lang sa part na toh, wag ka nang mag-inarte jan dahil eto na ang climax. Para kang lang kumain ng dynamite candy na konting sipsip at tiis na lang para malasahan ang chocolate sa gitna, niluwa na lang bigla. Sayang.

**********

Hindi ako against sa relasyong boyfriend-girlfriend. Yung tipikal na relasyon na kinaiinggitan ng mga singles (ehem) kapag Valentine's Day. Yung relasyong nagsisimula sa flowers, chocolates, cheesy lines, bolahan, hatid-sundo, love letter, text, chat. Uso pa ba ang phone pal? Eh pen pal? Sige. Isama na din yan. NO. Hindi ako against sa pagkakaroon niyan. Eh love is in the air nga di ba? Pero, against ako sa idea at structure ng pagsisimula ng relasyong ganyan. Bakit kamo?

Kung ako man eh magkakaroon ng katuwang ko sa buhay, sisiguraduhin kong, SIYA NA HABANGBUHAY (sobrang cheeeeeessy!). Siya na ang una't huli. Ayokong magsayang ng panahon sa mga romantic exchange of sweet messages sa text, chat o kahit ano pa mang uri ng komunikasyon yan. Ayokong ibase ang lifespan ng relationship ko sa kung gaano kadameng regalo o I LOVE YOU ang naibigay niya. For me, hindi biruan ang paghahanap ng partner. Hindi ako naghahanap for the sake of pleasure lang. Uulitin ko. Hindi ako naghahanap for the sake of pleasure lang. Kasi gusto ko siya. Kasi crush ko siya. Kasi mahal ko na ata siya. Well. So what? Hindi yun sapat para maging partner ko na siya. Hindi yun. Hindi yun ang basehan.

Kung maghahanap ka man ng kapareha mo, bakit mo sasayangin ang panahong igugugol mo sa maling tao? Kung pwede mo namang ibuhos ang lahat ng panahon mo sa tamang taong darating sa buhay mo? Maghintay ka lang. Para ka lang naghahanap ng pamasok na sapatos. Sa kagustuhan mong makahanap agad at hindi na mapagod kakatingin, magkakasya ka na lang sa isang pares na bago nga't mura, kulang naman sa quality, andame mo pang kapareha (Yes! I'm talking about Divisoria.) Ilang linggo mo pa lang suot, pudpod na agad. Tapos ano? Bibili ka na naman? Bakit hindi mo pa binili nung una yung mahal na sapatos na alam mong magagamit mo nang matagal na panahon kahit mahal? Gayong bibili ka rin naman pala ulit? Eh di ganun din. Bibili ka lang din nang paulit-ulit-ulit, Nagsayang ka lang. Hindi lang ng pera mo. Sayang pa ang effort at oras mo.

Sa isang relasyon, ang hinahanap ko ay matibay na pundasyon. Hindi ako nadadala sa mahal ng chocolates o sa bongga ng bouquet of flowers. Kaya hindi ako naniniwala sa proseso ng tradisyonal na ligawan. Bakit? Ano bang meron sa ligawan? Hindi ba't sinusuyo dito ng lalaki ang babae? Sa pagsuyo, anong ginagawa niya? LAHAT. As in LAHAAAAAAAAAT. Makuha lang ang matamis na "OO". Pero sa LAHAAAAAAAAT ng yon, lahat ba yon totoo? T-O-T-O-O????? Hindi. Dahil ilublob nyo man ako sa baha ngayon din, majority dun, pakitang tao lang. Masabi lang na mabuting tao siya. Masabi lang na sweet siya. At masabi lang, na nanliligaw siya. Sa ganitong proseso, believe me, karamihan sa kanila (hindi naman lahat), hindi totoo. Dahil natural sa mga nanliligaw, ang magpakita ng mabuting side nila. Ego na lang nila ang kumokontrol sa panliligaw nila. Hindi ang puso nila. Trust me. I've been there.

Saan nga ba makakahanap ng matibay na pundasyon? Medyo mahirap nga siya sagutin no. Pero sa tingin ko, simple lang ang sagot. FRIENDSHIP. I'm not talking about short term. I'm talking about long term. The everlasting one. The extraordinary one.

Boi, hindi qualified dito ang kaibigan mong nakilala mo lang last week. O last month. O kahit last year pa yan. You can't say na 'Oh my God siya na!', just because masaya ka kasama siya. Or just because the pleasure of having someone special is present. Hindi ganun yun. It takes time. And when I say time, I'm saying "big TIME!"

Boi, wag kang magpunyagi kung ang taong gusto mo sa ngayon, eh kaclose mo na at masaya ka sa piling niya. At lalong wag kang magdiwang, kung ang taong yon, eh never mong nakaaway. Or never mong nakasamaang loob. Matakot ka na. Dahil mas delikado yan.

Walang away? Walang misunderstanding? Walang kahit ano? Hahaha! Tatawanan pa kita. Dahil magpasagasa ka man sa runway ng NAIA, ang relasyong walang negative events, imposible pa sa pagkabuo muli ng planet Pluto! Gising kapatid! Walang perpektong romantikong istorya sa mundo. Ang relasyong walang away, kinatatakutan. Kelangan mo nang magdasal.

Kaibigan, find someone who will see you at your best, but will love you more at your worst. Someone whom you can still call as your bestfriend, eventhough you both know that your relationship has already achieved its higher level. Someone who is right enough to stand with you against all odds. Someone who is your great secret keeper. Your confidante. Your best cheerleader. Your mentor. Your teacher. Your critic. Someone who's not just a mere lover. But a real partner. Someone who will love you even you have bath breath. Even you got low grades. Or even you don't have proportion body measurement. Who will accept you even you'll have wrinkles and osteoporosis 50 or 60 years from now. Yung sasabihan kang ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa kahet ikaw mismo ang amoy lupa. Yung patuloy na mahuhulog sa mga ngiti mo kahit isang pangil na lang ang natitira sa gilagid mo. Yung mamahalin ka sa kung sino ka. Hindi dahil sa kung anong meron ka. Yung hindi rin perpektong katulad mo. Yung taong ibibigay ng Diyos sa'yo. Maghintay ka lang.

Ba't ka ba kasi nagmamadali? Apurang apura kang mainlove. Eh hagulgol ka naman pag naghiwalay na kayo. Tapos sisisihin mo pa ang Diyos minsan. Eh kaw tong kating-kati sa maling pagmamahal.

Yan din ang mahirap sa tao. Porke may naramdaman na. Porke may "spark" raw. Porke gusto. Porke may crush. Porke mabait. Porke cute. Porke gwapo. Porke mayaman. Porke wala nang mapagpilian, siya na lang. Porke may konting naramdaman, siya na lang. Siya na agad. Which is I think, is one hell of a very wrong move!

Men, you still have more to learn. Don't get too excited. Wag kang makati! Pursuing the other person to a higher level of relationship is nothing more different from pushing the both of you to the dead end. So gusto mo siya. Tapos magiging kayo. Tapos? Ano na? Wha'ts next?

Wag kang magpapadala sa peer pressure, o sa kahit anumang nakikita mo sa paligid mo. Nakakakita ka ng magsyota, okay lang yan. Darating din ang taong nakalaan, na para sa'yo lang... Nakakakita ka ng naghoholding hands? Okay lang yan. Darating din ang taong hindi ka lang hahawakan sa kamay, aakayin ka pa niya habangbuhay... Nakakakita ka ng isang pares na naghahalikan? Okay lang yan. Darating din ang taong hindi ka man halikan, alam ninyo pareho, sa puso nakalagak ang tunay na pagmamahal. Again, okay lang yan. (ang lalim na ng mg sinasabi ko. haha.)

Naiinip ka na? Tanungin mo muna sarili mo. "Nagawa ko na ba ang lahat ng gusto kong magawa sa buhay ko? May ipon na ba ako? Napatayo ko na ba ang dreamhouse ko? Tapos na ba mag-aral ang mga kapatid ko? Nabili ko na ba lahat ng books na gusto ko? Nakapunta na ba ako sa Korea, London, at Florida? Marunong na ba akong mag-gitara? Eh magpiano kaya? Nabili ko na ba ang Honda CRV na gusto ko? Sapat na ba ang mga nalalaman ko sa pagluluto para mapakain ko ang future family ko? Mayaman na ba ako? Matured na ba ako enough para mahandle ko hinaharap? Or to sum it all up, am I ready to settle down? Am i ready now for commitment?"

If you answered YES to all of these, then, Congratulations. And best wishes.

But if you would answer NO, aba eh, use your skull, crocodile. Minsan mo lang magagawa lahat ng 'to sa buhay mo. Minsan lang. At ang minsan na yun ay sa oras na walang sagabal. Walang epal. Bakit di mo gamitin ang pagiging single mo? Make the most out of it. Wag kang magmadali. Enjoy life. It's too short to be messed with.

Remember, the notion of accumulating happiness through ONLY, with the presence of having someone special beside you is bullshit. Bullshit. BULLSHIT. Hindi lang sa pag-sho-syota nagiging masaya ang isang tao. This is not the basis of your own happiness kapatid. Because happiness starts within ourselves, and not from anybody else. You just have to cultivate it inside you.

What makes you happy? Anyone? Anything? Your family. Your friends. Your studies. Your professors. Your hobbies. Books. Internet. Computer Games. Photography. Dota. Mafia Wars (ehem). Facebook. Multiply. Friendster??? Cooking. Baking. Drawing. Taking your pet to the park. Playing with your cousins. Hanging out with friends. Bar. Parties. Concerts. Wall climbing. Mountaineering. Writing. Blogging. Eating. Inventing. Biking. Driving. Damn what else? What things really do make you happy? Tell me nothing at all and I will tell you to die now. As in now na. Loser ka pala talaga.

**********

DIRECTIONLESS ROMANCE. Eto ang romance na uso ngayon. Yung tipong nagjojowa lang for the sake of having it. For the sake of having the pleasure of it. Or worse, for the sake of having a partner without the picture of an unknown future. Yes you love each other. Pero hanggang saan kayo dadalhin ng pagmamahal nyo. Or tanungin mo ang partner mo, san ka niya balak dalhin ng pagmamahal niya? Kapag sagot niya, sa habangbuhay, jackpot ka boi. Congratulations! Pero pag tameme siya? Nakow. You have to think twice na my dear. Kung hindi pala sa kasal, saan? Sa hiwalayan? Uh-oh. Dalawa lang naman yan eh. Either kasal, o hiwalayan. Sa panahon ngayon? Haha! I think lamang ang second choice.

DIRECTIONLESS ROMANCE. Pag ikaw nagalit sa term na to, guilty ka. Isip ka na boi. Baka kelangan mo na ng U-Turn.

Hindi ako mentor ng mga mag-asawang malapit nang maghiwalay. Lalong hindi ako eksperto sa usapang ganyan. Pero wag mamaliitin ang kakayahan kong magbigay idea at perspective sa ganitong topic. Dahil kahit paano naman, nakaranas na rin ako ng ganyan. Hindi nga lang officially, pero "kamuntik-ally". :))

Actually, madami pa akong dahilan kung bakit single pa rin ako ngayon and yet, unavailable. But they are too damn long I can't compress them into a mere one long blog. Gusto mo one-on-one interview? Pwede rin. Basta may libreng pizza at ice cream. :))

Wag kang atat! Yun lang masasabi ko. Kung may tiwala ka sa partner mo ngayon, mas lalong magtiwala ka sa nasa taas na nagbibigay sa'yo ng lahat ng kailangan mo. Materyal man. At lalong higit, "Pagmamahal."

Uulitin ko. Lahat ng 'to, para ipagtanggol ang side ko. Nakakasawa na kasi. Paulit-ulit na lang. Pwede mong masabi na choosy ako. Pero kung ito naman ang ipapag-ka-choosy ko, bakit hindi? Kinabukasan ko ang naksalalay dito. Hahaha! Isa pa, pwede ka ring makarelate at ibahin ang paniniwala mo. Pero kung sa tingin mo, much better ang belief mo, suportahan ta ka. :))

At muli, uulit-ulitin ko, HINDI AKO TOMBOY!
Pwede? Etong mukang to? Hah! Kung ganyan man, baka andame ko nang napaiyak na babae. :)))))))))

**********

Nga pala, nabanggit ko na ba? Sa lahat pala ng magpartner jan na produkto ng tamang pundasyon, binabati ko kayo. At hanga ako sa inyo. You're all are unique. One of a kind. Hindi lahat ng tao, makukuha ang punto ko. Pero sa lahat nang nakagawa na nito, sigurado, nagkakasundo ang mga atom natin sa utak. Hindi lahat kayang gawin, at WILLING gawin ang mga bagay na nagawa nyo. Talaga boi! Saludo na me beybeh. Kampai! :))

No comments:

Post a Comment