Wednesday, April 21, 2010

Why "GOD BLESS" is far better than "GOOD LUCK"

"Good luck!" - You always hear it, and you always say it when someone is in need of your cheer. On exams, on travels, on endeavors, or even on a simple task for a day. How 'bout for a change?

"GOD BLESS!" - You might be hearing it seldomly. And you might not be saying it commonly. Siguro maririnig mo, o masasabi mo siya, pag mag-gu-goodnight ka na.. Or maaaring kapag magpapaalam ka na sa kausap mo. 'Di ba? Tama ako?

Nasanay na kasi ang mga Pilipino sa "Good luck!" Madali kasing sabihin. Nakagawian na rin kapag may aalis, kapag may exam, o kapag may gagawin na mahalagang bagay, o kung kailangan ng basbas ng isang tao para sa mga pangarap niya sa buhay. Eh ako kasi, mas prefer ko ang "God Bless", kesa sa "Good Luck".

Bakit?

**********

Minsan, may isang taong nakapagsabi sa akin, na di hamak na mas makabuluhan ang pagbabasbas na magmumula sa kapangyarihan ng nasa Taas, kesa sa kapangyarihan ng swerte o malas. Medyo ulyanin na ako. Pero, teacher ko yata nung high school ang nagsabi nun.

Simple lang kasi.

Pag "Good Luck", it's as if you're wishing someone a good outcome on his endeavors, on which it will be merely based on whether he'll be lucky or unfortunate. Parang, "Uy bahala na ang swerte sa'yo. Weather-weather lang yan.." Kumbaga, may 50-50 chance na makuha ng taong sinabihan mo nito yung gusto nya. 50% para sa posibilidad na mangyari. At another 50%, kung lalamang ang kamalasan sa kanya.

Pero pag "God Bless", all out ang blessings. Since you are wishing that God the Almighty will be guiding his way, buong buo ang paniniwala mo at ng sinabihan mo na matutupad ang hiling nya. Walang 50-50. Walang "baka", walang "pero", walang "siguro". Total faith lang na magkakatotoo lahat. 100% mong shineshare ang blessings Niya. Hindi ka lang basta umaasa sa swerte. Umaasa ka sa totoong gumagawa ng swerte mo. Syempre, si God yun eh. May tatalo pa ba sa kanya? Kahit ang buong kamalasan sa buhay, kaya niyang pawiin. Si God pa. Iba yata siya. :)

Simple lang yung paliwanag ko. Pero sana naintindihan mo.

Uy, God Bless ha! :)

No comments:

Post a Comment